#VeganSilidAralan

Ito ay tungkol sa Philippine Academy. Ang lengwaheng Filipino ang gagamitin sa mga workshop.

09/02-09/17 | Ang mga workshop ay gaganapin sa Zoom.

2-4 pm (PH time)

Ano ang Animal Advocacy Academy?

Ito ay isang kursong may pitong bahaging magbibigay ng kaalaman, pagkakataong makipag-network, at kasanayan nang maging isang mas mahusay na tagapagtaguyod para sa mga hayop.

  1. Komunikasyon sa Kabila ng Karahasan - September 2

    Paano makipagtalakayan tungkol sa hustisyang panghayop sa isang bansang sanay sa karahasan

  2. Awayan at Ugnayan - September 3

    Paano tugunan ang infighting, maging inklusibo, at tignan ang pagiging konektado ng bawat isa

  3. Plant-Based Pero Pinoy - September 9

    Dekolonisasyon ng Pinoy veganism nang magawa itong mas angkop sa ating kultura

  4. Patagong Pinunong Pangmatagalan - September 10

    Paano palabasin ang pagiging lider ng bawat nag-aadbokasya at gawin itong pangmatagalan?

  5. Ang Mahabang Biyahe - September 16

    Pag-aral ng diskarte at pagpapalakas ng kilusan

  6. Isa, Dalawa, Laban! - September 17

    Paggamit ng mga natutunan sa totoong mga sitwasyong at proyekto

    Dapat dumalo sa kahit 5 sa 6 na workshop nang makakatanggap ng e-certificate.

Mga Guest Speaker

  • Ria Vita Puangco, workshop 2

    Si Ria ay isang propesyonal mula sa mundo ng marketing communications, market research, at strategic planning. Nakatrabaho niya ang mga iba't-ibang brands sa Pilipinas at sa Asya. Nakita nya na kailangan nating mga Pilipinong matuto na makipag-usap at dialogo sa isa't-isa kahit na magkakasalungat ang ating mga pananaw. Ang skill na ito ay tinawag niyang Confrontation Without Conflict (Paghaharap Nang Walang Away).

  • Celine Murillo, workshop 3

    Si Celine ay isang vegan at Filipino storyteller na gumagamit ng photos, videos, at tula para magkwento tungkol sa Philippine biodiversity at natural heritage. Siya ay isang Young ASEAN Storyteller para sa ASEAN Centre for Biodiversity, at isang Revolutionary Storyteller ng Photographers without Borders.

  • Rhodora Palomar-Fresnedi, workshop 4

    Si Rhodora ay isang multi-awarded na business leader, CEO, coach, author, at tagataguyod ng mga may kapansanan. Kilala rin siya bilang Tita Sunshine simula ng itinayo niya ang Sunshine Farm Philippines, ang unang sunflower farm sa Quezon na nagbibigay ng pagkakataon sa mga may kapansanan na magkaroon ng

    trabaho at kabuhayan.

  • Rochelle Bata, workshop 4

    Itinatag ni Roc ang Phlourish Mental Health Initiative Inc. na naglalayong gawing accessible sa mga Pinoy ang mga interbensyon sa mental health. Mayroon din siyang sariling ahensya at podcast tungkol sa katapangan. Dati siyang COO sa ClimateScience, isang nonprofit na nakarehistro sa UK, at Operations Manager ng isang lokal na foundation para sa climate change.

  • Peachie Dioquino, workshop 6

    Si Peachie ay isang vegan at Climate Reality Leader ng The Climate Reality Project. Kilala rin siya bilang Peachie Keen & Green!, ang kanyang social media platform kung saan siya nagbabahagi ng kanyang intersectional environmental activism, citizen science, kasangguning trabaho, at mga proyekto sa konserbasyon. Isa rin siyang manunulat, talent, espesyalista sa Spirit Science, at Futurist.

Para kanino ang Academy?

Ang akademyang ito ay para sa bawat Pinoy na animal justice advocate, baguhan man o beterano, na gustong matugunan ang mga hamong kinakaharap at interesadong matuto ng mga bagong kakayanan nang mapalakas ang kanilang adbokasiya.

Bakit dapat maging bahagi nito?

Kung binabasa mo ito, malamang ay gusto mong may mai-ambag sa paglikha ng mundong may pagdalamhati sa lahat ng nilalang!

Alam nating hindi ito madali. Ramdam mo bang hindi sapat ang pagbabago ng lipunan? Ano pa ba ang pwede mong gawin bukod sa pamumuhay bilang isang vegan nang matulungan ang mga hayop? Nais mo bang maging isang mas epektibong advocate?

Kung dadalo ka sa Academy, mas lalawak ang iyong pagkakaintindi sa ating kilusan — kung nasaan tayo, kung paano natin sama-samang makakamit ang ating mga layunin, at kung paano ka mas makakapag-ambag.ontribute.

Magkano ang pagsali dito?

Magbigay lamang ng kaya mong ibigay. Ang iyong donasyon, maliit man o malaki, ay makakatulong sa amin sa pagbibigay ng suporta sa mga advocates sa buong Asia.

Kung may tanong, mag-email sa animalallianceasia.ph@gmail.com